Pumunta ka sa kanya saka magsabi ka sa kanya: Tunay na ikaw ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakapansin ng pagkawala ni Thābit bin Qays kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay mag-aalam para sa iyo ng kaalaman sa kanya." Kaya pumunta ito roon, saka nakatagpo ito roon habang nakaupo sa bahay niyon habang nagyuyuko ng ulo niyon. Kaya nagsabi ito roon: "Ano ang nangyari sa iyo?" Kaya naman nagsabi iyon: "Kasamaan." Iyon noon ay nagtataas ng tinig niyon higit sa tinig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nawalang-kabuluhan ang gawa niyon at iyon ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Pumunta ang lalaki [sa Propeta] at nagpabatid sa kanya ito na iyon ay nagsabi ng ganito at ganoon. Saka [sinabing] bumalik ito roon sa ibang pagkakataon kalakip ng isang dakilang nakagagalak na balita sapagkat nagsabi siya: "Pumunta ka sa kanya saka magsabi ka sa kanya: Tunay na ikaw ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}
Explanation
Kaya bumalik ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpabatid sa kanya hinggil doon. Nag-utos naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumalik ito kay Thābit at magbalita ng nakagagalak doon na iyon ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Iyan ay dahil ang tinig niyon ay mataas dala ng kalikasan at dahil iyon ay mananalumpati ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mananalumpati ng mga Tagaadya.
Benefits
Ang pagpapahalaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya at ang pagsisiyasat niya sa lagay nila.
Ang takot ng mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) at ang pangamba nila na mawalang-kabuluhan ang mga gawa nila.
Ang pagkakinakailangan ng etiketa sa pakikipag-usap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panahon ng buhay niya at ang pagbababa ng mga tinig sa sandali ng pagkarinig sa Sunnah niya matapos ng pagpanaw niya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

