HadeethEnc · 1.49.0
Ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan, hindi siya makaaamoy ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay natatagpuan sa [layo ng] paglalakbay na apatnapung taon."}
Available translations
Choose an available translation of this Hadeeth
01
Hadeeth text
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan, hindi siya makaaamoy ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay natatagpuan sa [layo ng] paglalakbay na apatnapung taon."}
02
Explanation
Nililinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang matinding banta na ang sinumang pumatay ng isang kinasunduan – ang sinumang pumasok kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa Tahanan ng Islām nang may kasunduan at seguridad – ay hindi makalalanghap ng amoy ng Paraiso. Tunay na ang amoy nito ay abot sa layo ng paglalakbay na apatnapung taon.
03
Benefits
Ang pagbabawal ng pagpatay sa kinasunduan (mu`āhad), pinangangalagaan (dhimmīy), at pinatitiwasay (musta'man) kabilang sa mga tagatangging sumampalataya; at na ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Ang kinasunduan (mu`āhad) ay ang sinumang binigyan ng kasunduan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya habang siya ay naninirahan sa bayan niya nang hindi nakikipagdigmaan sa mga Muslim at hindi sila nakikipagdigmaan sa kanya. Ang pinangangalagaan (dhimmīy) ay ang sinumang namamayan sa Tahanan ng Islām at nagbabayad ng buwis na jizyah. Ang pinatitiwasay (musta'man) ay ang sinumang pumasok sa Lupain ng mga Muslim nang may kasunduan at seguridad para sa isang tinakdaang panahon.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagtataksil sa mga kasunduan sa hindi mga Muslim.

Attribution
[Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy]
Categories
Share
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares