May dalawang gawain sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang gawain sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."}
Explanation
Una: Ang paninirang-puri sa mga kaangkanan ng mga tao, ang pagmamaliit sa kanila, at ang pagpapakamalaki laban sa kanila.
Ikalawa: Ang pagtataas ng tinig sa sandali ng kasawiang-palad bilang pagkainis sa pagtatakda o ang pagpunit ng mga damit dahil sa tindi ng pagdadalamhati.
Benefits
Ang pagkakinakailangan ng pagtitiis sa kasawiang-palad at hindi pagkainis.
Ang mga gawaing ito ay kabilang sa maliit na kawalang-pananampalataya. Ang sinumang nakapagsagawa nito na isang sangay kabilang sa mga sangay ng kawalang-paniniwala ay hindi nagiging isang tagtangging sumampalataya na nakagawa ng kawalang-pananampalatayang nagpapalabas sa kapaniwalaan hanggang sa umiral sa kanya ang malaking kawalang-pananampalataya.
Sumaway ang Islām laban sa bawat anumang nagpapahantong sa pagkakahati-hati sa pagitan ng mga Muslim gaya ng paninirang-puri sa mga kaangkanan at iba pa rito.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options

