Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf."
Explanation
Benefits
Ang pagpapabatid tungkol sa nauukol sa Bulaang Kristo at ang paglilinaw sa kung ano ang magsasanggalang laban sa kanya.
Ang paghimok sa Kabanatang Al-Kahf nang buo; ngunit kung nawalang-kakayahan, isaulo ang unang sampung talata at ang huling sampung talata.
Nagsabi si Al-Qurṭubīy hinggil sa kadahilanan niyon: [Ito ay] dahil sa nasaad sa kuwento ng magkakasama sa yungib na mga kababalaghan at mga tanda kaya ang sinumang nakaalam nito ay hindi magtataka sa nauukol sa Bulaang Kristo at hindi manghihilakbot doon saka hindi matutukso dahil doon; at sinabi ring dahil sa sabi ni Allāh (Qur'ān 18:2): {upang magbabala ng isang matinding parusa mula sa nasa Kanya,} bilang pagdidiin sa pagtatangi sa parusa sa katindihan at pinagmulan. Ito ay nababagay sa anumang mula sa Bulaang Kristo na pag-aangkin ng pagkadiyos, pagsasapanginoon niya, at bigat ng tukso niya. Dahil doon, nagmabigat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nauukol sa kanya, nagbigay-babala ito laban sa kanya, at nagpakamapagpakupkop laban sa tukso niya. Kaya ang kahulugan ng ḥadīth ay na ang sinumang bumigkas ng mga talatang ito, nagnilay-nilay sa mga ito, at nakaalam sa kahulugan ng mga ito ay makapag-iingat at matitiwasay laban sa kanya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

