Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagdaan ang sangkatlo ng gabi, ay bumabangon at nagsasabi: "O mga tao, alalahanin ninyo si Allah.
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Ubayy bin Ka`b, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagdaan ang sangkatlo ng gabi, ay bumabangon at nagsasabi: "O mga tao, alalahanin ninyo si Allah. Dumating ang unang pag-ihip [sa tambuli], na susundan ng ikalawang pag-ihip. Dumating ang kamatayan dala ang nilalaman nito. Dumating ang kamatayan dala ang nilalaman nito." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, tunay na ako ay nagpaparami ng panalangin ng pagpapala sa iyo, kaya ilan ang itatalaga ko para sa iyo sa panalangin ko ng pagpapala?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo." Nagsabi ako: "Ang sangkapat?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Kaya ang kalahati?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Kaya ang dalawang sangkatlo?" Nagsabi siya: "Ang niloob mo. Kung dadagdagan mo, ito ay mabuti para sa iyo." Nagsabi ako: "Itatalaga ko para sa iyo ang lahat ng panalangin ko ng pagpapala." Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasapat ito para sa alalahanin mo at patatawarin ka sa pagkakasala mo."
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

