{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel. Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging isinugo.}
Explanation
A. Ang pakikipagkita niya kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga).
B. Ang pakikipag-aralan niya ng Qur'ān, na pagbigkas ng Qur'ān buhat sa memorya.
Nakikipag-aralan sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ng lahat ng bumaba mula sa Qur'ān. Talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinakamapagbigay, pinakamarami sa pagbibigay at sa paggawa ng kabutihan, at pinakamabilis sa pagpapakinabang sa nilikha kaysa sa kaaya-ayang hangin na isinugo ni Allāh kalakip ng saklolo at awa.
Benefits
Ang paghimok sa kagalantehan sa bawat oras. Isinakaibig-ibig ang karagdagan sa buwan ng Ramaḍān.
Ang pagpaparami ng pagkakaloob, pagbibigay, paggawa ng maganda, at pagbigkas ng Qur'ān sa buwan ng Ramaḍān.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaingat ng kaalaman ay ang pakikipag-aralan nito sa mga estudyante ng kaalaman at mga maaalam.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

