Sabihin mo: Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna -llāhi rabbi -l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi l`azīzi lḥakīm
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumuntang isang Arabeng Disyerto sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Magturo ka sa akin ng isang pananalitang sasabihin ko." Nagsabi siya: "Sabihin mo: Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna -llāhi rabbi -l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi l`azīzi lḥakīm. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila. Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami. Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong). Nagsabi ito: "Ang mga ito ay para sa Panginoon ko at ano naman ang para sa akin?" Nagsabi siya: "Sabihin mo: Allāhumma -ghfir lī, wa-hdinī, wa-rḥamnī, wa-rzuqnī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at magtustos Ka sa akin.)"}
Explanation
Benefits
Ang pagsasakaibig-ibig ng pag-alaala kay Allāh at pagbubunyi sa Kanya bago ng panalangin.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdalangin ng tao ng pinakakaaya-ayang panalangin at ng isang panalanging ipinaabot kabilang sa may mga tagatipon ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay. Ukol sa kanya na manalangin ng anumang niloloob niya.
Nararapat sa tao ang pagsisigasig sa pagkatuto ng nagpapakinabang sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang paghimok sa paghiling ng kapatawaran, awa, at panustos sapagkat ang mga ito ay kinasalalayan ng kabutihan.
Ang pagkamaalalahanin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtuturo sa Kalipunan niya ng nagpapakinabang sa kanila.
Binanggit ang awa matapos ng kapatawaran upang magkabuuhan ang pagdadalisay sapagkat ang kapatawaran ay ang pagtatakip ng mga pagkakasala, ang pagpawi ng mga ito, at ang pag-aalis buhat sa Apoy samantalang ang awa ay ang pagpapaabot ng mga kabutihan at ang pagpasok sa Paraiso. Ito ay ang pagkatamong sukdulan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

