Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay’un fi -l’arḍi wa-lā fi -ssamā’i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa mag-umaga;
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abān bin `Uthmān na nagsabi: {Nakarinig ako kay `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsasabi: Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay’un fi -l’arḍi wa-lā fi -ssamā’i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa mag-umaga; at ang sinumang magsabi nito nang tatlong ulit kapag nag-umaga, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa gumabi." Nagsabi ito: Tumama kay Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa. Nagsimula ang lalaki na nakarinig mula sa kanya ng ḥadīth na tumingin sa kanya, kaya nagsabi siya rito: "Bakit ka tumitingin sa akin?" Sumpa man kay Allāh, hindi ako nagsinungaling hinggil kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān hinggil sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) subalit ngayong araw na tumama sa akin dito ang tumama sa akin, nagalit ako saka nakalimot ako na magsabi nito.}
Explanation
Ang sinumang nagsabi nito kapag gumagabi, hindi dadapo sa kanya ang pagsubok nang biglaan hanggang sa mag-umaga. Ang sinumang nagsabi nito kapag nag-uumaga, hindi dadapo sa kanya ang pagsubok nang biglaan hanggang sa gumabi.
Dumapo sa tagapagsalaysay ng ḥadīth na si Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa, na panlalambot ng kalahati ng katawan, kaya nagsimula naman ang lalaki na nakarinig ng ḥadīth sa pagtingin kay Abān habang nagtataka. Kaya nagsabi siya sa lalaki: "Bakit ka tumitingin sa akin? Sumpa man kay Allāh, hindi ako nagsinungaling hinggil kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān hinggil sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Subalit nang araw na dumapo ito sa akin, hindi nagtakda si Allāh sa akin na magsabi ako nito; dinapuan ako ng galit saka nakalimot ako na magsabi ng mga nabanggit na pangungusap na ito."
Benefits
Ang lakas ng katiyakan ng unang Kanunu-nunuan kay Allāh at paniniwala nila sa ipinabatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kabilang sa mga benepisyo ng paglilimita ng dhikr sa umaga at gabi ang pagputol ng pagkalingat sa Muslim at ang paggugunita niyang palagian na siya ay isang lingkod ni Allāh (napakataas Siya).
Ayon sa sukat ng pananampalataya ng tagapag-alaala kay Allāh, kataimtiman niya, at pagdalo ng puso niya kasama ng pagpapakawagas at katiyakan, ang epekto ng dhikr ay magiging naisasakatotohanan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options

