'Hindi ba ako maggagabay sa inyong dalawa sa higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa? Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyong dalawa o pumunta kayong dalawa sa kama ninyong dalawa, magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, at magdakila kayong dalawa nang talumpu't apat sapagkat ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan.'"}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Si Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya) ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na dumadaing sa kanya ng natatagpuan nito sa kamay nito dahil sa gilingang bato. Umabot dito na may dumating sa kanya na alipin ngunit hindi ito nakasumpong sa kanya kaya bumanggit ito niyon kay `Ā'ishah. Kaya noong dumating siya, nagpabatid sa kanya si `Ā'ishah. Nagsabi naman si `Alīy: "Saka dumating siya sa amin noong nakahiga na kami sa mga higaan namin saka kumilos kami upang bumangon ngunit nagsabi siya: 'Manatili sa kinalalagyan ninyong dalawa.' Dumating siya saka umupo sa pagitan ko at nito hanggang sa nakaramdam ako ng lamig ng mga paa niya sa tiyan ko saka nagsabi siya: 'Hindi ba ako maggagabay sa inyong dalawa sa higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa? Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyong dalawa o pumunta kayong dalawa sa kama ninyong dalawa, magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, at magdakila kayong dalawa nang talumpu't apat sapagkat ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan.'"}
Explanation
Benefits
Ang dhikr na ito ay hindi sinasabi malibang sa pagtulog sa gabi at ang pananalita nito sa ganang kay Imām Muslim ay mula sa salaysay ni Mu`ādh ayon kay Shu`bah: "Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyong dalawa sa gabi."
Kapag nakalimutan ng Muslim ang dhikr na ito sa simula ng gabi, pagkatapos naalaala niya ito sa huli niyon, walang masama sa pagsabi nito dahil si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na tagapagsalaysay ng ḥadīth ay nagsasabi na siya ay nakalimot sa pagsabi nito sa gabi ng Ṣiffīn sa simula ng gabi, pagkatapos nakapagsaalaala siya saka nagsabi siya nito bago ng madaling-araw.
Nagsabi si Al-Muhallab: Nasaad dito ang pagdala ng tao sa mag-anak niya sa pinagdadalhan niya ng sarili niya na pagtatangi sa Kabilang-buhay higit sa Mundo kapag sila ay nagkaroon ng kakayahan doon.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar Al-`Asqalānīy: Ang sinumang nagtiyaga rito ay hindi napipinsala ng dami ng paggawa at hindi nahihirapan dito kahit pa man nangyari sa kanya ang pagod.
Nagsabi si Al-`Aynīy: Ang punto ng pagkamabuti ay maaari na ninais dito na ito ay nauugnay sa Kabilang-buhay at ang tagapaglingkod sa Mundo samantalang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na matagalan, o maaari na ninais sa pagkaugnay sa hiniling nito na mangyari para rito, dahilan sa mga dhikr na ito, ang isang lakas na nakakakaya sa paglilingkod nang higit kaysa sa nakakaya ng tagapaglingkod.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

