Pumunta kami kay Khabbāb bin Al-Art, malugod si Allah sa kanya, upang dalawin siya noong nagpapaso siya ng pitong paso.
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Qays bin Abī Ḥāzim na nagsabi: "Pumunta kami kay Khabbāb bin Al-Art, malugod si Allah sa kanya, upang dalawin siya noong nagpapaso siya ng pitong paso. Nagsabi siya: 'Tunay na ang mga kasamahan nating nauna ay yumao at hindi nila tinamasa ang Mundo. Tunay na tayo at dinapuan ng yamang wala na tayong natatagpuan para rito na isang paglalagyan kundi ang lupa. Kung hindi dahil sa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa atin na manalangin ng kamatayan, talagang ipinanalangin ko na sana ito.' Pagkatapos ay pinuntahan namin siya sa ibang pagkakataon habang siya ay nagpapatayo ng isang pader. Nagsabi siya: "Tunay na ang Muslim ay talagang gagantimpalaan sa bawat bagay na ginugugol niya maliban sa bagay na inilalagay niya sa lupang ito."
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

