Huwag ninyong alipustain ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa-khayri mā fīhā wa-khayri mā umirat bihi, wa-na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa-sharri mā fīhā wa-harri mā umirat bih. (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, kabutihan ng narito, at kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop kami sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, kasamaan ng narito, at kasamaan ng ipinag-utos dito)."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ninyong alipustain ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa-khayri mā fīhā wa-khayri mā umirat bihi, wa-na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa-sharri mā fīhā wa-harri mā umirat bih. (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, kabutihan ng narito, at kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop kami sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, kasamaan ng narito, at kasamaan ng ipinag-utos dito)."}
Explanation
Benefits
Ang pagbabalik kay Allāh at ang paghiling ng pagkupkop sa Kanya laban sa kasamaan ng nilikha.
Ang hangin ay inuutusan na maghatid ng kabutihan at inuutusan na maghatid ng kasamaan.
Nagsabi si Shaykh Ibnu Bāz: Ang pag-alipusta sa hangin ay kabilang sa kabuuan ng mga pagsuway dahil ito ay isang nilikhang pinangangasiwaan, na isinusugo kalakip ng kabutihan at kasamaan. Kaya hindi pinapayagan ang pag-alipusta dito. Hindi sasabihin: "Sumpain ni Allāh ang hangin!" o "Kalabanin ni Allāh ang hangin!" o "Huwag magpala si Allāh sa hanging ito!" o anumang nakawangis niyon. Bagkus gagawin ng mananampalataya ang iginabay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ibinabatay bilang analohiya (qiyās) sa hangin sa pagbabawal sa paglait at pag-alipusta ang anumang nauugnay sa init, lamig, araw, alikabok, at iba pa roon kabilang sa anumang bahagi ng paglikha ni Allāh at pagpapatnugot Niya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

