Ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng tubo."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng tubo."}
Explanation
Benefits
Ang kitang bawal, kahit pa dumami ang kantidad nito, ay inalisan ng pagpapala, na walang kabutihan dito.
Nagsabi si Al-Qāri': Ang pagkaalis ng pagpapala sa kinita ay maaaring dahil sa pagkasirang sumasapit sa kanya sa ari-arian niya, o dahil sa paggugol niya sa hindi nanunumbalik ang pakinabang nito sa kanya sa Mundo o ang gantimpala sa kanya sa Kabilang-buhay, o nanatili ito sa piling niya at ipinagkait naman ang pakinabang nito, o nagmana nito ang hindi nagpapahalaga nito.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang pagsaway laban sa dalas ng panunumpa sa pagtitinda sapagkat tunay na ang panunumpa nang walang pangangailangan ay kinasusuklaman. Nagpapakinabang sa kanya ang pagsasamabili ng paninda at marahil malinlang ang mamimili dahil sa pagsumpa.
Ang dalas ng panunumpa ay isang kakulangan sa pananampalataya at isang kakulangan sa Tawḥīd dahil ang dalas ng panunumpa ay humahantong sa pagwawalang-bahala roon at kawalan ng pagbibigay-pansin. Ang ikalawang usapin ay ang pagsisinungaling sapagkat tunay na ang sinumang dumami ang mga panunumpa niya ay nasasadlak sa pagsisinungaling. Kaya naman nararapat ang magpakakaunti roon at ang hindi magparami ng mga panunumpa. Dahil dito, nagsabi si Allāh (5:89): {Pag-ingatan ninyo ang mga panunumpa ninyo.}
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

