HadeethEnc · 1.49.0
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pag-aasawang mut`ah sa Araw ng Khaybar at sa karne ng asnong inaalagaan.
Available translations
Choose an available translation of this Hadeeth
01
Hadeeth text
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pag-aasawang mut`ah sa Araw ng Khaybar at sa karne ng asnong inaalagaan."
02
Explanation
Ang layon ng Batas ng Islām sa pag-aasawa ay ang pagsasama, ang pananatili, ang pagbubuklod, ang pagbuo ng mag-anak, at ang paghubog nito. Ipinagbawal ng Batas ng Islām ang ilan sa mga anyong sumasalungat sa nilalayon nito sa pag-aasawa. Dahil dito, ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa panahon ng labanan sa Khaybar ang pag-aasawang mut`ah: ang pag-aasawa ng lalaki sa babae nang may taning na panahon matapos na ito ay naging ipinahihintulot noong simula ng Islām dahil sa tawag ng pangangailangan. Gayon din, ipinagbawal niya ang pagkain ng mga asnong pinagmamay-ari, na may isang mag-anak na inuuwian at nangangalaga sa mga ito laban sa pagiging ligaw na hayop.
Attribution
[Napagkaisahan ang katumpakan]
Categories
Share
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

