Ang pilak kapalit ng ginto ay patubo, malibang kaliwaan. Ang trigo kapalit ng trigo ay patubo, malibang kaliwaan. Ang sebada kapalit ng sebada ay patubo, malibang kaliwaan. Ang datiles kapalit ng datiles ay patubo, malibang kaliwaan."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Mālik bin Aws bin Al-Ḥadathān, siya ay nagsabi: {Dumating ako na nagsasabi: "Sino ang makikipagpalitan ng mga dirham?" Kaya nagsabi si Ṭalḥah bin `Ubaydillāh habang siya ay nasa piling ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ipakita mo sa amin ang ginto mo, pagkatapos pumunta ka sa amin. Kapag dumating ang tagapaglingkod namin, ibibigay namin sa iyo ang pilak mo." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb: "Aba'y hindi! Sumpa man kay, talagang ibibigay nga ninyo sa kanya ang pilak niya o talagang isasauli nga ninyo sa kanya ang ginto niya sapagkat tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Ang pilak kapalit ng ginto ay patubo, malibang kaliwaan. Ang trigo kapalit ng trigo ay patubo, malibang kaliwaan. Ang sebada kapalit ng sebada ay patubo, malibang kaliwaan. Ang datiles kapalit ng datiles ay patubo, malibang kaliwaan."}
Explanation
Benefits
Tinutukoy sa lugar ng kasunduan ang lugar ng pagbibilihan, maging ang dalawa man ay mga nakaupo o mga naglalakad o mga nakasakay. Tinutukoy sa paghihiwalay ang ibinibilang na isang paghihiwalay bilang isang kaugalian sa mga tao.
Ang pagsaway na nasaad sa ḥadīth ay sumasaklaw sa lahat ng mga uri ng ginto, na ginawang pera o hindi ginawa, at lahat ng uri ng pilak, na ginawang pera o hindi ginawang pera.
Ang mga pera sa panahon ngayon ay kinakailangan sa mga ito ang kinakailangan sa pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak. Ibig sabihin: kapag nagnais ka na magpapalit ng isang pera kapalit ng ibang pera gaya ng riyal kapalit ng dirham, pinapayagan ang pagpapalabisan ayon sa ikinalulugod ng dalawang panig subalit kinakailangan ang abutan sa lugar ng bilihan; at kung hindi, nawawalang-saysay ang bilihan at ang transaksiyon ay nagiging pampatubong ipinagbabawal.
Ang mga transaksiyong pampatubo ay hindi pinapayagan. Ang kontrata ng mga ito ay walang-saysay kahit pa man nagkaluguran ang dalawang panig dahil ang Islām ay nag-iingat sa tao at sa lipunan ng karapatan nito, kahit pa man tinalikdan niya ito.
Ang pagsaway laban sa nakakasama at ang pagpigil nito ay ukol sa sinumang nakakakaya niyon.
Ang pagbanggit ng patunay sa sandali ng pagmamasama sa nakasasama, gaya ng ginawa ni `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya).
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options

