Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni, wa-lbukhli, wa-lharami, wa `adhābi -lqabr. Allāhumma, ātī nafsī taqwāhā, wa-zakkihā anta khayru man zakkāḥā, anta walīyuhā wa-mawlāhā. Allāhumma, innī a`ūdhu bika min `ilmin lā yanfa`, wa-min qalbin lā yakhsha`, wa-min nafsin lā tashba`, wa-min da`watin lā yustajābu lahā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, karamutan, pag-uulyanin, at pagdurusa sa libingan. O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magpabusilak Ka nito: Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak dito; Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik dito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang, laban sa pusong hindi nagtataimtim, laban sa sariling hindi nabubusog, at laban sa panalanging hindi tinutugon.)"}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Zayd bin Arqam (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi ako magsasabi sa inyo kundi gaya ng anumang ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi. Siya noon ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni, wa-lbukhli, wa-lharami, wa `adhābi -lqabr. Allāhumma, ātī nafsī taqwāhā, wa-zakkihā anta khayru man zakkāḥā, anta walīyuhā wa-mawlāhā. Allāhumma, innī a`ūdhu bika min `ilmin lā yanfa`, wa-min qalbin lā yakhsha`, wa-min nafsin lā tashba`, wa-min da`watin lā yustajābu lahā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, karamutan, pag-uulyanin, at pagdurusa sa libingan. O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magpabusilak Ka nito: Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak dito; Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik dito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang, laban sa pusong hindi nagtataimtim, laban sa sariling hindi nabubusog, at laban sa panalanging hindi tinutugon.)"}
Explanation
Benefits
Ang paghimok sa taqwā (pangingilag magkasala) at ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagsasagawa nito.
Ang kaalamang nagpapakinabang ay ang nagpapabusilak sa sarili at nagsasanhi rito ng pagkatakot sa Panginoon (napakamapagpala Siya at napakataas) para kumalat mula rito sa nalalabi sa mga bahagi ng katawan.
Ang pusong nagtataimtim ay ang nangangamba at nababagabag sa sandali ng pagkabanggit kay Allāh pagkatapos lumalambot at napapanatag.
Ang pagpula sa pagsisigasig sa kamunduhan at kawalan ng kabusugan sa mga ninanasa rito at minamasarap dito. Dahil doon, ang sariling masibang masigasig sa tinatamasa sa Mundo ay ang pinakakaaway sa mga kaaway ng tao. Dahil doon, humiling ng pagkupkop laban dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nararapat sa tao na magpahiwalay sa pagtanggi sa panalangin at kawalan ng pagtugon dito.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang ḥadīth na ito at ang iba pa rito kabilang sa mga panalanging tinugmaan (rhymed) ay isang patunay sa sinabi ng mga maalam na ang tugmang pinupulaan kaugnay sa panalangin ay ang ipinagkukunwari sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng kataimtiman, pagpapakumbaba, at pagpapakawagas, at nagpapalingat palayo sa pamamanhik, pagsusumamo, at pagkabukas ng puso. Hinggil naman sa nangyayaring walang pagkukunwari at pagpapagana ng isip para sa kakumpletuhan ng katatasan at tulad niyon, o naisasaulo, walang bale roon, bagkus iyon ay maganda.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

