Talaga ngang may pumalibot nga sa mag-anak ni Muḥammad na maraming babaing naghihinaing ng mga asawa nila. Ang mga iyon ay hindi pinakamabubuti ninyo."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Iyās bin `Abdillāh bin Abī Dhubāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mamalo ng mga babaing alipin ni Allāh," ngunit dumating si `Umar sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Nagpangahas ang mga babae laban sa mga asawa nila," kaya nagpermiso siya sa pagpalo sa kanila. May pumalibot naman sa mag-anak ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maraming babaing naghihinaing ng mga asawa nila. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang may pumalibot nga sa mag-anak ni Muḥammad na maraming babaing naghihinaing ng mga asawa nila. Ang mga iyon ay hindi pinakamabubuti ninyo."}
Explanation
Benefits
Ginawa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ang pagpalo bilang kahuli-hulihan sa mga yugto ng paglunas sa kasutilan sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 4:34): {Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa kasutilan nila ay pangaralan ninyo sila, iwan ninyo sila sa mga higaan [kung nagpupumilit], at paluin ninyo sila [kung tumanggi pa]; ngunit kung tumalima sila sa inyo ay huwag kayong maghanap laban sa kanila ng isang paraan. Tunay na si Allāh ay laging Mataas, Malaki.} Ang tatlong ito ay ayon sa pagkakasunud-sunod at hindi pagsasama sa iisang yugto. Kaya magsisimula sa payo, pangaral, at pagpapaalaala. Kaya kung nagbenepisyo, ang papuri ay ukol kay Allāh; at kung hindi nagpakinabang, iiwan siya sa higaan. Ngunit kung hindi nagbenepisyo, papaluin ito nang pagpalo ng pagdisiplina hindi nang pagpalo ng paghihiganti.
Ang lalaki ay pastol sa bahay niya. Kaya naman kinakailangan na mag-alaga siya sa kanila at humubog siya sa kanila sa pamamagitan ng karunungan at magandang pangangaral.
Ang pagpayag sa pagsangguni sa maalam kaugnay sa fatwā rito para sa pag-alam ng mga kahihinatnan nito at kahahantungan nito.
Ang pagpayag sa pagdaing sa pinuno o maalam kapag nagparanas ng kapinsalaan sa tagapaghinaing.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

