Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
Explanation
ٍٍSa munting bata hanggang sa lumaki siya at maging adulto.
Sa baliw na nawalan ng isip hanggang sa bumalik sa kanya ang isip niya.
Sa natutulog hanggang sa magising siya.
Kaya naman ang pag-aatang ng tungkulin ay pinawi nga sa kanila at ang paggawa nila ng kasalanan ay hindi itinatala laban sa kanila subalit itinatala ang kabutihan para sa munting paslit, hindi sa baliw at natutulog dahil ang dalawang ito ay nasa larangan ng sinumang hindi natatanggapan ng katumpakan ng pagsamba dahil sa paglaho ng pagkadama.
Benefits
Ang hindi pagtatala ng mga kasalanan laban sa kanila ay hindi nagkakaila ng pagkaukol ng ilan sa mga patakarang pangmundo sa kanila, gaya ng baliw kung sakaling nakapatay ito ay walang paghihiganti laban sa kanya at walang panakip-sala, at kailangan sa angkan niya ang magbigay ng bayad-pinsala.
Ang pagkaadulto ay may tatlong palatandaan: paglabas ng punlay dahil sa isang wet dream at iba pa rito o pagtubo ng buhok ng ari o pagkalubos ng edad na 15 taon. Nagdaragdag ang babae ng ikaapat na palatandaan: ang pagreregla.
Nagsabi si As-Subkīy: Ang sanggol na paslit – at nagsabi siya ng iba rito: ang anak sa tiyan ng ina nito ay tinatawag na fetus. Kapag ipinanganak ito, sanggol ito; saka kapag inawat ito, paslit ito hanggang sa pitong taon; pagkatapos ito ay magiging isang bata hanggang sa sampung taon; pagkatapos isang binatilyo hanggang sa labinlimang taon. Ang natitiyak sa kanya ay na siya ay tinatawag na bata sa mga kalagayang ito sa kabuuan ng mga ito. Nagsabi nito si As-Suyūṭīy.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

