O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Umar bin Abī Salamah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako noon ay isang batang lalaking nasa pangangalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Minsan, ang kamay ko ay naglilikot sa plato, kaya nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo." Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}
Explanation
A. Ang pagsabi ng Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh) sa simula ng pagkain.
B. Ang pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay.
C. Ang pagkain mula sa gilid na malapit mula sa pagkain.
Benefits
Ang pagtuturo sa mga bata ng mga etiketa, lalo na sa mga nasa ilalim ng pag-aaruga ng tao.
Ang kabanayaran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang lawak ng tiyaga niya sa pagtuturo sa mga nakababata at pagdudulot ng edukasyon sa kanila.
Kabilang sa mga etiketa ng pagkain ang pagkain mula sa malapit sa tao, malibang kapag may sarisaring putahe sapagkat maaari sa kanya na kumuha mula sa mga iyon.
Ang pananatili ng mga Kasamahan sa etiketang itinuro sa kanila ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay mahihinuha mula sa sabi ni `Umar: {Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

