Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo,
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo, magalak kayo, at magpatulong kayo [kay Allāh] sa umaga, hapon, at isang bahagi ng gabi."}
Explanation
Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak hinggil sa masaganang gantimpala sa gawaing palagian, kahit pa kaunti, ng sinumang nawalang-kakayahan sa paggawa ayon sa pinakakumpleto dahil ang kawalang-kakayahan, kapag naging hindi mula sa kagagawan niya, ay hindi nag-oobliga ng pagkabawas sa pabuya sa kanya.
Yayamang ang Mundo sa reyalidad ay isang tahanan ng paglalakbay at isang paglipat tungo sa Kabilang-buhay, nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatulong sa pagpapamalagi ng pagsamba sa pamamagitan ng pagganap sa mga ito sa tatluhang nagpapasiglang oras:
A. Ang Umaga: sa pamamagitan ng pagkilos sa unang bahagi ng maghapon, ang nasa pagitan ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa pagsikat ng araw.
B. Ang Hapon: sa pamamagitan ng pagkilos matapos ng katanghaliang-tapat.
C. Ang Gabi: sa pamamagitan ng pagkilos sa gabi sa kabuuan nito o isang bahagi nito; at dahil ang paggawa sa gabi ay higit na mahirap kaysa sa paggawa sa maghapon, nag-utos siya ng isang bahagi nito sa pamamagitan ng pagsabi niya: "at isang bahagi ng gabi."
Benefits
Kailangan sa tao na magsagawa sa utos sa abot ng kakayahan niya, nang walang pagwawalang-bahala o pagpapatindi.
Kailangan sa tao na mamili ng mga oras ng kasiglahan sa pagsamba. Ang tatlong oras na ito, sa pagsasaalang-alang sa mga ito, ay ang pinakamaginhawang sandali ng katawan para sa pagsasamba.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar Al-`Asqalānīy: Para bang siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kumausap sa isang manlalakbay patungo sa isang pinapakay. Ang tatlong oras na ito ay ang pinakakaaya-aya sa mga oras ng manlalakbay kaya tumawag-pansin siya rito sa mga oras ng kasiglahan nito. Ito ay dahil ang manlalakbay, kapag naglakbay sa gabi at maghapon nang magkasama, ay nanghihina at nawawalay. Kapag hinangad niya ang maglakbay sa mga oras na nagpapasigla, magbibigay-kakayahan sa kanya ang pagpapamalagi nang walang hirap.
Nagsabi pa si Ibnu Ḥajar: Ang pahiwatig sa ḥadīth na ito ay ang paggamit ng permisong legal sapagkat tunay na ang paggamit ng pagmamatigas sa halip ng permiso ay pagpapakaselan, gaya ng sinumang nagwawaksi ng tayammum sa sandali ng kawalang-kakayahan sa paggamit ng tubig kaya nagpapahantong sa kanya ang paggamit ng tubig sa pagtamo ng pinsala.
Nagsabi si Ibnu Al-Munīr: Sa ḥadīth na ito ay may isang tanda kabilang sa mga tanda ng pagkapropeta sapagkat nakakita nga tayo at nakakita nga ang mga tao bago natin na ang bawat nagpapakaselan sa Relihiyon ay nalalagot. Ang tinutukoy ay hindi ang pagpigil sa paghahangad ng pinakakumpleto sa pagsamba sapagkat ito ay kabilang sa mga bagay na pinapupurihan; bagkus ang pagpigil sa pagpapalabis na nauuwi sa pagkasawa o ang pagpapasobra sa pagkukusang-loob na humahantong sa pagwaksi ng pinakamainam o ang pagpapalabas sa tungkulin lampas sa oras nito gaya ng sinumang magdamag na nagdarasal sa gabi sa kabuuan nito kaya nakatulog sa oras ng ṣalāh sa madaling-araw sa konggregasyon o hanggang sa sumikat ang araw kaya nakalampas ang oras ng tungkulin.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

