Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo laban sa bawat bagay na namemerhuwisyo sa iyo at laban sa bawat kasamaan ng sarili o matang naiinggit. Si Allāh ay magpagaling sa iyo. Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya): {Si Anghel Gabriel ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Muḥammad, naghinaing ka ba?" Kaya nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo laban sa bawat bagay na namemerhuwisyo sa iyo at laban sa bawat kasamaan ng sarili o matang naiinggit. Si Allāh ay magpagaling sa iyo. Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo."}
Explanation
Benefits
Pinapayagan ang pagsambit ng ruqyah (orasyon) batay sa mga sumusunod na kundisyon: 1. Na ito ay maging sa pamamagitan ng Qur'ān o pagbanggit kay Allāh (napakataas Siya) at sa pamamagitan ng mga panalanging isinasabatas; 2. Na ito ay maging sa pamamagitan ng wikang Arabe o anumang nalalaman ang kahulugan mula sa mga iba pang wika; 3. Na maniwala na ang ruqyah ay hindi nakaapekto mismo at ito lamang ay isang kadahilanang kabilang sa mga kadahilanan, na walang pag-apekto para rito kundi sa pamamagitan ng pahintulot ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan); at 4. Na hindi ito naglalaman ng Shirk o ipinagbabawal o bid`ah o anumang nagwawakas doon.
Ang pagpapatibay sa pinsala ng mata (o usog) at na ito ay totoo kaya nararapat ang pag-oorasyon laban dito.
Ang pagsasakaibig-ibig sa ruqyah sa pamamagitan ng nasaad sa ḥadīth.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng iba pa sa kanya kabilang sa mga tao ay dinadapuan ng dumadapo sa iba pa sa kanya na sakit.
Ang pag-aalaga ni Allāh sa Propeta Niya, ang pangangalaga Niya rito, at ang pagpapahalili Niya sa mga anghel niya roon.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

