Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan,
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan, magsigasig ka sa magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang panghinaan. Kung may tumama sa iyo na anuman ay huwag kang magsabi: 'Kung sakaling ako ay gumawa ng ganito, naging ganito at ganito sana,' subalit magsabi ka: 'Ang pagtatakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya,' sapagkat tunay na [ang katagang] 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo."}
Explanation
Benefits
Ang pagsasakaibig-ibig ng lakas sa mga gawain dahil nakatatamo sa pamamagitan nito ng katuturan na hindi natatamo sa kahinaan.
Ang tao ay nararapat na magsigasig sa magpapakinabang sa kanya at magwaksi sa hindi magpapakinabang sa kanya.
Kinakailangan sa mananampalataya na humiling ng tulong kay Allāh para sa kanya sa lahat ng mga nauukol sa kanya at hindi umasa sa sarili niya lamang.
Ang pagpapatibay sa pagtatadhana at pagtatakda at na ito ay hindi nagkakaila sa pagsasagawa ng mga kadahilanan at pagpupunyagi sa paghahanap ng mabubuting bagay.
Ang pagsaway laban sa pagsabi ng KUNG SANA bunsod ng pagkainis sa sandali ng pagbaba ng mga kasawiangpalad at ang pagbabawal sa pagtutol sa pagtatadhana at pagtatakda ni Allāh (napakataas Siya).
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

