Kakalapin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon habang mga nakayapak, mga nakahubo, mga supot
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kakalapin ang mga tao sa Araw ng Pagbangon habang mga nakayapak, mga nakahubo, mga supot." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ang mga babae at ang mga lalaki ay magkakasamang nakatingin ang isa't isa sa kanila?" Nagsabi siya: "O `Ā'ishah, ang pangyayari ay higit na matindi kaysa sa makatingin ang isa't isa sa kanila."}
Explanation
Benefits
Ang pagbibigay-diin na ang tao ay hindi nasasadlak sa pagsuway maliban sa kalagayan ng pagkalingat yayamang kapag sakaling nakapagsaalaala siya ng kabigatan ng sinuway niya o parusa sa kanya dahil sa nakalingat siya sa pag-alaala niya, pagpapasalamat niya, at kagandahan ng pagsamba niya sa isang kisap ng mata. Dahil doon, makakikita ka sa mga nakatigil sa Kalapan na mga nagpakaabala sa mga sarili nila, na hindi tumitingin ang isa't isa sa kanila.
Ang tindi ng hiya ng mga babae sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat itong si `Ā'ishah na (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-uusisa nang may pagkahiya nang nakaririnig siya na ang nilikha ay kakalapin na mga nakahubong lalaki at babae.
Nagsabi si As-Sindīy: Ang bawat isa ay magpapakaabala sa nauukol sa kanya at hindi siya nakaaalam sa kalagayan ng kapatid niya. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 80:3): {Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.} Kaya walang isang lilingon sa kahubaran ng iba.
Ang pagtutuli para sa lalaki ay ang pagputol ng balat (foreskin) na bumabalot sa ulo ng ari at para sa babae ay ang pagputol ng clitoris na lumalampas sa ibabaw ng pinapasukan ng ari ng lalaki, na nakawawangis ng palong ng tandang.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

