Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa kapitbahay niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa panauhin niya."}
Explanation
UNA: Ang Magandang Salita: gaya ng tasbīḥ at tahlīl, pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway ng nakasasama, at pagsasaayos sa mga tao ngunit kung hindi siya makagagawa niyon ay manatili siya sa katahimikan, magpigil siya ng perhuwisyo niya, at mangalaga siya ng dila niya.
IKALAWA: Ang Pagpaparangal sa Kapit-bahay: Sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanya at hindi pamemerhuwisyo sa kanya.
IKATLO: Ang Pagpaparangal sa Panauhing Dumating Para sa Pagdalaw sa Iyo: Sa pamamagitan ng kaayahan ng pananalita, pagkakaloob ng pagkain, at tulad nito.
Benefits
Ang pagbibigay-babala sa mga salot ng dila.
Ang Relihiyong Islām ay Relihiyon ng Pagkapalagayang-loob at Karangalan.
Ang mga gawaing ito ay kabilang sa mga sangay ng pananampalataya at kabilang sa mga etiketang napapupurihan.
Ang dami ng pagsasalita ay maaaring humatak tungo sa kinasusuklaman o ipinagbabawal. Ang kaligtasan ay nasa hindi pagsasalita malibang kaugnay sa kabutihan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

