Ang sinumang nagdasal ng dasal sa madaling-araw, siya ay nasa pangangalaga ni Allāh
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Jundub bin `Abdillāh Al-Qasrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng dasal sa madaling-araw, siya ay nasa pangangalaga ni Allāh. Kaya huwag ngang magpapanagot sa inyo si Allāh ng anuman dahil sa pangangalaga Niya sapagkat tunay na ang sinumang pinanagot Niya ng anuman dahil sa pangangalaga Niya ay makaabot Siya rito, pagkatapos magsusubsob Siya rito ng mukha nito sa apoy ng Impiyerno."}
Explanation
Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) laban sa pagsira sa kasunduang ito at pagpapawalang-saysay rito sa pamamagitan ng pagwaksi sa ṣalāh sa madaling-araw o ng pagharang sa magdarasal nito at ng pangangaway rito. Tunay na ang sinumang gumawa niyon, sumira nga siya sa pangangalagang ito at naging karapat-dapat nga siya sa matinding banta sa pamamagitan ng pagpapanagot ni Allāh sa kanya dahil sa pagpapabaya niya sa karapatan Nito. Ang sinumang pananagutin ni Allāh ay makaaabot Siya rito, pagkatapos magtatapon Siya rito pasubsob ng mukha nito sa Impiyerno.
Benefits
Ang matinding pagbibigay-babala laban sa pagharang nang may kasagwaan sa sinumang nagdarasal sa madaling-araw.
Ang paghihiganti ni Allāh (napakataas Siya) sa sinumang humaharang sa mga lingkod Niyang maaayos.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

