Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkakasakit niya na hindi siya nakabangon mula roon: "Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan."} Nagsabi siya: {Kaya kung hindi dahil diyan, pinausli sana ang libingan niya, gayon pa man, ikinatakot na gawin ito bilang masjid.}
Explanation
Benefits
Ang tiyak na pagsaway at ang matinding pagbabawal laban sa paggawa sa mga libingan bilang mga sambahan at pagpapakay ng ṣalāh sa tabi ng mga ito na iba pa sa ṣalāh ng paglilibing sapagkat iyon ay maidadahi-dahilan tungo sa pagdakila sa patay, pagsagawa ng ṭawāf sa libingan nito, pagpahid-pahid sa mga haligi niyon, at pagtawag sa pangalan nito. Ang lahat ng iyon ay bahagi ng Shirk at mga kaparaanan nito.
Ang tindi ng pagpapahalaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagmamalasakit niya sa Tawḥīd, at pangamba niya sa pagdakila sa mga libingan dahil iyon ay nauuwi sa Shirk.
Si Allāh (napakataas Siya) ay nangalaga sa Propeta Niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) laban sa paggawa ng Shirk sa tabi ng libingan nito. Kaya naman nagpahiwatig Siya sa mga Kasamahan nito at mga matapos nila na pangalagaan ang libingan nito laban sa pagpapausli rito.
Ang pagsagawa ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ng tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang sigasig nila sa Tawḥīd.
Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa mga Hudyo at mga Kristiyano at na ang pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan ay kabilang sa mga kalakaran nila.
Bahagi ng paggawa sa mga libingan bilang mga masjid ang pagdarasal sa tabi ng mga ito at paharap sa mga ito, kahit pa man pinatayuan ng masjid.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

