Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
Explanation
Benefits
Ang bigat ng kauuwian ng tagapag-alipusta ng Muslim nang walang karapatan sapagkat ang tagapag-alipusta nang walang karapatan ay isang suwail.
Ang pag-alipusta sa Muslim at pakikipaglaban sa kanya ay nagpapahina sa pananampalataya at bumabawas nito.
Ang ilan sa mga gawain ay tinatawag bilang kawalang-pananampalataya, kahit pa hindi umabot sa malaking kawalang-pananampalataya na nagpapalabas sa kapaniwalaan ng Islām.
Ang tinutukoy ng kawalang-pananampalataya rito ay ang maliit na kawalang-pananampalataya, na hindi nagpapalabas mula sa kapaniwalaan ayon sa pagkakasang-ayon ng mga Alagad ng Sunnah dahil si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagpatibay sa kapatiran sa pananampalataya ng mga mananampalataya sa sandali ng pag-aaway-away nila at hidwaan nila sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 49:9-10): {Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa; ngunit kung lumabag ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito, magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa ayon sa katarungan at magpakamakatarungan kayo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.} Hanggang sa sinabi Niya: {Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang,}
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

