Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya." Sinabi: "Kaya ano po sa tingin mo kung nasa kapatid ko ang sinasabi ko?" Nagsabi siya: "Kung naging nasa kanya ang sinasabi mo, nanlibak ka nga sa kanya; at kung hindi ito naging nasa kanya, nanirang-puri ka nga sa kanya."}
Explanation
Tungkol naman sa kapag hindi naging nasa kanya ang nasabing katangian, ito ay higit na matindi kaysa sa panlilibak. Ito ay ang paninirang-puri. Ibig sabihin: ang paggawa-gawa laban sa tao ng wala naman sa kanya.
Benefits
Ang kagandahan ng etiketa ng mga Kasamahan sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam."
Ang pagsabi ng tinatanong tungkol sa hindi niya nalalaman ng: "Si Allāh ay higit na maalam."
Ang pangangalaga ng Batas ng Islām sa lipunan sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga karapatan at kapatiran sa pagitan nila.
Ang panlilibak ay ipinagbabawal maliban sa ilan sa mga kalagayan para sa kapakanan. Kabilang doon ang pagtulak ng kawalang-katarungan kung saan babanggitin ng taong nalabag sa katarungan ang lumabag sa kanya sa katarungan sa harap ng sinumang nakakakaya sa pagbawi sa karapatan niya. Ito ay gaya ng pagsabi ng ganito: "Lumabag sa katarungan sa akin si Polano" o "Gumawa siya sa akin ng gayon." Kabilang sa mga ito ang pakikisawsaw sa nauukol sa mag-asawa o pakikilahok o panghihimasok o tulad nito.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

