Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito,Kapag nakita ninyo ito,Manalangin kayo kay Allah at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo.
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-Nagsabi siya:((Tumiklop ang Araw [nawala ang kanyang liwanag] sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga tao,Tinagalan niya ang pagtayo pagkatapos at yumuko siya at tinagalan niya ang pagyuko,pagkatapos ay tumayo siya,at tinagalan niya ang pagyuko,at ito ay liban pa sa unang pagtayo-pagkatapos ay yumuko siya,at tinagalan niya ang pagyuko-at ito ay liban pa sa unang pagyuko- pagkatapos ay nagpatirapa siya,tinagalan niya ang pagpapatirapa,pagkatapos ay ginawa niya ito sa ibang tindig ang tulad ng ginawa niya sa unang tindig,pagkatapos ay umalis siya,at naging hayag na ang araw,Nagsermon siya sa mga tao,Nagluwalhati siya kay Allah at Nagpuri siya sa Kanya,Pagkatapos ay sinabi niya: Tunay na ang Araw at ang Buwan ay dalawang palatandaan mula sa tanda ni Allah,Hindi sila nagtitiklop [nawawala ang kanilang liwanag] dahil sa pagkamatay ng isang tao at hindi sa pagkabuhay nito,Kapag nakita ninyo ito,Manalangin kayo kay Allah at mag-alay kayo ng Pagdadakila;Magdasal kayo at Magkawanggawa kayo.Pagkatapos ay sinabi niya: O Ummah ni Muhammad,Wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagseselos liban kay Allah ,sa pangangalunya ng alipin niya o pangangalunya ng Umah ni Muhammad,Sumpa kay Allah;Kung nalalaman lang ninyo ang nalalaman ko,Tunay na matatawa kayo ng kaunti at tunay na maiiyak kayo ng marami)) At sa isang pananalita:((Ginanap niya sa apat na tindig at apat na pagpapatirapa))
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

