Ang mga martir ay lima: ang namatay sa salot, ang namatay sa sakit sa tiyan, ang nalunod, ang namatay na nadaganan ng guho, at ang napatay na nakikipaglaban sa landas ni Allāh.
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga martir ay lima: ang namatay sa salot, ang namatay sa sakit sa tiyan, ang nalunod, ang namatay na nadaganan ng guho, at ang napatay sa landas ni Allāh." Sa isang sanaysay: "Ano ang ibinibilang ninyo na martir sa inyo? Nagsabi sila: O Sugo ni Allāh, ang sinumang napatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Nagsabi siya: Tunay na ang mga martir ng Kalipunan ko, samakatuwid, ay talagang kaunti. Nagsabi sila: Kaya sino po sila, o Sugo ni Allāh? Nagsabi siya: Ang sinumang napatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa landas ni Allāh, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa salot, siya ay martir. Ang sinumang namatay sa sakit sa tiyan, siya ay martir. Ang nalunod ay martir."
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

