Huwag kang bumati ng `alayka -s-salām (sumaiyo ang kapayapaan); ang `alayka -s-salām ay pagbati sa mga patay. Sabihin mo: as-salāmu `alayka (ang kapayapaan ay sumaiyo).
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Jurayy Jābir bin Sulaym, malugod si Allāh sa kanya: "Nakakita ako ng isang lalaking sumusunod ang mga tao sa pananaw niya. Wala siyang anumang sinasabi na hindi sila sumusunod doon. Nagsabi ako: Sino ito? Nagsabi sila: Ang Sugo ni Allāh, (s). Nagsabi ako nang dalawang ulit: `Alayka -s-salām (Sumaiyo ang kapayapaan), o Sugo ni Allāh. Nagsabi siya: Huwag kang bumati ng `alayka -ssalām (sumaiyo ang kapayapaan); ang `alayka -ssalām ay pagbati ng mga patay. Sabihin mo: As-salāmu `alayka (Ang kapayapaan ay sumaiyo). Nagsabi ako: Ikaw ay Sugo ni Allāh? Nagsabi siya: Ako ay Sugo ni Allāh na kapag dinapuan ng isang kapinsalaan at dumalangin ka sa Kanya, aalisin Niya iyon sa iyo; kapag dinapuan ka ng tagtuyot at dumalangin ka sa Kanya, magpapatubo Siya ng pagkain para sa iyo; kapag ikaw ay nasa isang lupang tuyot o isang disyerto at naligaw ang sasakyang kamelyo mo at dumalangin ka sa Kanya, ibabalik Niya ito sa iyo. Nagsabi ako: Habilinan mo po ako. Nagsabi siya: Huwag ka ngang manlalait ng isa man. Kaya hindi ako nanlait matapos niyon ng isang malaya ni isang alipin ni isang kamelyo ni isang tupa. [Nagsabi pa siya:] Huwag kang manghahamak ng anuman sa nakabubuti;ang kausapin mo ang kapatid habang ikaw ay may masayahing mukha sa kanya, tunay na iyan ay bahagi ng nakabubuti. Iangat mo ang tapis mo hanggang sa kalahati ng binti at kung tatanggi ka ay hanggang sa mga bukung-bukong. Kaingat ka sa pagpapalampas ng tapis sapagkat tunay na iyan ay kabilang sa kapalaluan. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa kapalaluan. Kung may isang taong mang-aalipusta sa iyo at manghihiya sa iyo sa pamamgitan ng nalalaman niya sa iyo, huwag mo siyang hiyain sa pamamgitan ng nalalaman mo sa kanya sapagkat ang masamang kahihinatnan niyon ay ukol sa kanya."
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

