Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa buhay niya kung sa ano siya umubos nito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano siya gumamit nito, tungkol sa yaman niya kung mula saan siya kumita nito at kung sa ano siya gumastos nito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano siya lumaspag nito?"}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Barzah Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa buhay niya kung sa ano siya umubos nito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano siya gumamit nito, tungkol sa yaman niya kung mula saan siya kumita nito at kung sa ano siya gumastos nito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano siya lumaspag nito?"}
Explanation
A. Ang buhay niya kung sa ano siya umubos nito at gumugol nito.
B. Ang kaalaman niya kung naghanap ba siya nito alang-alang kay Allāh, kung gumawa ba siya ayon dito, at kung nagpaabot ba siya nito sa karapat-dapat dito.
C. Ang yaman niya kung mula saan siya kumita nito: kung sa ipinahihintulot ba o ipinagbawal; at kung sa ano siya gumastos nito: kung sa nagpapalugod ba kay Allāh o nagpapainis sa Kanya.
D. Ang katawan niya, ang lakas niya, ang kagalingan niya, at ang kabataan niya kung sa ano siya lumaspag nito at gumamit nito.
Benefits
Ang mga biyaya ni Allāh sa mga lingkod ay marami. Magtatanong Siya sa tao tungkol sa kaginhawahang siya noon ay naroon, kaya naman kailangan sa kanya na maglagay sa mga biyaya ni Allāh sa nagpapalugod sa Kanya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

