Ang mga anak ni Israel noon ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Sa tuwing yumayao ang isang propeta, humahalili rito ang isang propeta. Tunay na walang propeta matapos ko. Magkakaroon ng mga khalīfah saka darami sila
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Ḥāzim na nagsabi: {Nakipisan ako kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) nang limang taon kaya nakarinig ako sa kanya na nagsasanaysay tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: "Ang mga anak ni Israel noon ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Sa tuwing yumayao ang isang propeta, humahalili rito ang isang propeta. Tunay na walang propeta matapos ko. Magkakaroon ng mga khalīfah saka darami sila." Nagsabi sila: "Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Nagsabi siya: "Tumupad kayo sa pangako ng katapatan sa una sa kasunod at magbigay kayo sa kanila ng karapatan nila sapagkat tunay na si Allāh ay magtatanong sa kanila tungkol sa ipinaalaga Niya sa kanila."}
Explanation
Benefits
Walang propeta matapos ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagbibigay-babala laban sa paghihimagsik sa sinumang napagtibay ang pamamahala niya sa isang legal na pamamaraan.
Hindi pinapayagan ang pagdaraos ng pangako ng katapatan sa dalawang khalīfah nang magkasabay.
Ang bigat ng pananagutan ng pinuno sapagkat tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay magtatanong sa kanya tungkol sa nasasakupan niya.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang pagpapauna sa nauukol sa Relihiyon higit sa nauukol sa Mundo dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos ng pagtupad sa karapatan ng pinuno dahil sa dulot nito na pagtataas sa Salita ng Relihiyon at pagpigil sa sigalot at kasamaan. Ang pagpapahuli ng tao sa nauukol sa paghiling ng karapatan nito ay hindi nag-aalis niyon. Nangako nga rito si Allāh na Siya ay magliligtas sa kanya at tutupad nito sa kanya kahit pa sa Tahanang Pangkabilang-buhay.
Isang palatandaan mula sa mga palatandaan ng pagkapropeta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat dumami nga ang mga khalīfah matapos niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagkasunuran sa Kalipunang Islām ang mga tagapag-ayos kabilang sa kanila at ang tagapagpasagwa.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

