Huwag mo siyang patayin; sapagkat kung pinatay mo siya, tunay na siya ay nasa katayuan mo bago mo siya pinatay at tunay na ikaw ay nasa katayuan niya bago siya nagsabi ng pangungusap niya na sinabi niya."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Al-Miqdād bin `Amr Al-Kindīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nagsabi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtuturing ka po ba na kung nakatagpo ako ng isang lalaking kabilang sa mga tagatangging sumampalataya saka naglaban-laban kami saka tumaga siya sa isa sa mga kamay ko ng tabak saka nakaputol siya nito, pagkatapos kumanlong siya laban sa akin sa isang punong-kahoy saka nagsabi: 'Sumuko ako kay Allāh,' papatayin ko po ba siya, O Sugo ni Allāh, matapos na nagsabi siya niyon?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin." Kaya nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na siya ay pumutol ng isa sa mga kamay ko, pagkatapos nagsabi siya niyon matapos siyang pumutol nito?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin; sapagkat kung pinatay mo siya, tunay na siya ay nasa katayuan mo bago mo siya pinatay at tunay na ikaw ay nasa katayuan niya bago siya nagsabi ng pangungusap niya na sinabi niya."}
Explanation
Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin."
Kaya nagsabi naman siya: "O Sugo ni Allāh, tunay na siya ay pumutol ng isa sa mga kamay ko. Sa kabila po ba nito ay hindi ko siya papatayin?"
Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin sapagkat tunay na siya ay bawal [padanakin] ang dugo. Kung pinatay mo siya matapos ng pag-anib niya sa Islām, tunay na siya ay nasa katayuan mo na pinangangalagaan ang dugo [sa pagdanak] dahil sa pagkaanib niya sa Islām at tunay na ikaw ay nasa katayuan niya na pinapayagan [padanakin] ang dugo dahil sa pagpatay mo sa kanya, bilang ganting-pinsala."
Benefits
Kapag umanib sa Islām ang isa sa mga tagatangging sumampalataya sa sandali ng labanan, napangalagaan nga ang dugo niya [sa pagpapadanak] at kinakailangan ang pagpigil doon maliban na mapaglinawan mula sa kanya ang kasalungatan niyon.
Kinakailangan sa Muslim na ang pithaya niya ay maging sunod sa Batas ng Islām at hindi sa pagsuway at paghihiganti.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang pagpayag sa pagtatanong tungkol sa mga trahedya bago ng pagkaganap ng mga ito ay batay sa isang pagsasaalang-alang na ang kuwentong ito ay hindi naganap. Hinggil naman sa naipaabot buhat sa ilan sa Kanunuan na pagkasuklam doon, ito ay maipakakahulugan sa anumang madalang ang pagkaganap. Hinggil naman sa maaari ang pagkaganap sa karaniwan, isinasabatas ang pagtatanong tungkol dito upang malaman.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

