O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): "O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}
Explanation
na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nag-iingat sa mga gawa ng mga tao at mag-iisa-isa ng mga ito sa kanila, pagkatapos magtutumbas Siya sa kanila sa mga ito sa Araw ng Pagbangon, kaya ang sinumang makatatagpo sa ganti sa gawa niya bilang mabuti ay magpuri siya kay Allāh sa pagtutuon sa kanya sa pagtalima kay Allāh at ang sinumang makatatagpo sa ganti sa gawa niya bilang anumang iba pa roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niyang palautos sa kasagwaan na umakay sa kanya tungo sa pagkalugi.
Benefits
Ang nangyayari sa mga tao na kaalaman o pagkapatnubay ay dahil sa kapatnubayan ni Allāh at pagtuturo Niya.
Ang anumang dumapo sa tao na kabutihan ay mula sa kabutihang-loob ni Allāh at ang anumang dumapo sa kanya na kasamaan ay mula sa sarili niya at pithaya niya.
Ang sinumang gumawa ng maganda ay dahil sa pagtutuon ni Allāh. Ang ganti rito ay isang kabutihang-loob mula kay Allāh kaya ukol sa Kanya ang papuri. Ang sinumang gumawa ng masagwa ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

