Hindi pumuno ang isang tao ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa isang tiyan. Kasapatan sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya; saka kung naging hindi posible, isang sangkatlo ay para sa pagkain niya, isang sangkatlo ay para sa inumin niya, at isang sangkatlo ay para sa paghinga niya."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Al-Miqdād bin Ma`dī Karib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi pumuno ang isang tao ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa isang tiyan. Kasapatan sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya; saka kung naging hindi posible, isang sangkatlo ay para sa pagkain niya, isang sangkatlo ay para sa inumin niya, at isang sangkatlo ay para sa paghinga niya."}
Explanation
Benefits
Ang layon sa pagkain ay ang pangangalaga sa kalusugan at lakas. Sa pamamagitan ng dalawang ito ang kaligtasan ng buhay.
Ang pagpuno ng tiyan ng pagkain ay may mga kapinsalaang pangkatawan at panrelihiyon. Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaingat kayo sa pagkabundat sapagkat tunay na ito ay kasiraan sa katawan at katamaran sa pagdarasal."
Ang pagkain sa punto ng kahatulan ay nasa ilang bahagi: 1. kinakailangan, ang anumang sa pamamagitan nito napangangalagaan ang buhay at humahantong ang pagwaksi nito sa kapinsalaan; 2. pinapayagan, ang anumang dumagdag sa sukat na kinakailangan at hindi kinatatakutan ang kapinsalaan nito; 3. kinasusuklaman, ang anumang kinatatakutan ang kapinsalaan nito; 4. ipinagbabawal, ang anumang nalalaman ang kapinsalaan nito; at 5. isinakaibig-ibig, ang anumang ipinantutulong sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Binuod iyon sa ḥadīth sa tatlong antas. Ang una sa mga ito ay pagpuno ng tiyan. Ang ikalawa sa mga ito ay mga pagkain o mga subong nagpapanatili ng buhay. Ang ikatlo sa mga ito ay ang sabi ng Propeta: "isang sangkatlo para sa pagkain niya, isang sangkatlo para sa inumin niya, at isang sangkatlo para sa paghinga niya." Ito sa kabuuan nito ay kapag ang uri ng kinakain ay pinahihintulutan.
Ang ḥadīth ay isang panuntunan kabilang sa mga panuntunan ng medisina. Yayamang tunay na ang kaalaman sa medisina ay nakasalalay sa tatlong saligan: pangangalaga sa lakas, diyeta, at pagpapaluwa ng nakapipinsala, nakasaklaw nga ang ḥadīth sa dalawang una sa mga ito, gaya ng nasaad sa sabi ni Allāh (Qur'ān 7:31): {O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid. Kumain kayo at uminom kayo at huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis.}
Ang kakumpletuhan ng Palabatasang Islāmiko yayamang nakasaklaw ito sa mga kapakanan ng tao sa panrelihiyong buhay niya at pangmundong buhay niya.
Kabilang sa mga kaalaman sa Palabatasang Islāmiko ang mga saligan ng medisina at mga uri nito, gaya ng nasaad hinggil sa pulut-pukyutan at Butong Itim.
Ang pagkasaklaw ng mga patakaran ng Palabatasang Islāmiko sa karunungan at na ito ay nakabatay sa pagpigil ng mga kasiraan at pagtamo ng mga kapakanan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

