Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang.
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang. Ukol sa tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa isang kamunduhan na tatamuhin niya o isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Sa pananalita ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. ..."
Explanation
Pagkatapos naglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad para sa paglilinaw sa pag-epekto ng layunin sa mga gawain sa kabila ng pagkakapantayan ng dalawang ito sa panlabas na anyo. Naglinaw siya na ang sinumang nagpakay sa paglikas niya at pag-iwan ng bayan niya ng paghahangad ng mga kaluguran ng Panginoon niya, ang paglikas niya ay isang paglikas na legal na tinatanggap, na ginagantimpalaan dahil sa katapatan ng layunin niya; samantalang ang sinumang nagpakay sa paglikas niya ng isang kapakinabangang pangmundo gaya ng yaman o reputasyon o kalakal o asawa, wala siyang tatamuhin mula sa paglikas niya kundi ang kapakinabangang iyon na nilayon niya at walang bahagi para sa kanya sa pabuya at gantimpala [sa Kabilang-buhay].
Benefits
Ang mga gawain na nagpapakalapit-loob sa pamamagitan ng mga ito kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), kapag gumawa ng mga ito ang naatangan bilang kaugalian, ay walang ukol sa kanya na gantimpala dahil sa mga ito hanggang sa magpakay siya sa mga ito ng pagpapakalapit-loob kay Allāh.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

