Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}
Explanation
Benefits
Ang kalubusan ng Batas ng Islām at ang sigasig nito sa pangangalaga sa babae at pagsasanggalang sa kanya.
Ang pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay nag-oobliga ng pagpapasakop sa Batas ni Allāh at pagtigil sa tabi ng mga hangganan nito.
Ang mga maḥram ng babae ay ang asawa niya o ang sinumang ipinagbabawal sa kanya nang magpakailanman dahilan sa pagkakamag-anak o pagpapasuso o pagkakamag-anak ng asawa. Ang lalaking ito ay Muslim na adulto (bāligh), na nakapag-uunawa (`āqil), na katiwa-tiwalang pinagkakatiwalaan sapagkat ang pinapakay sa maḥram ay ang pagsanggalang sa babae, ang pangangalaga sa kanya, at ang pagtataguyod sa pumapatungkol sa kanya.
Nagsabi si Imām Al-Bayhaqqīy tungkol sa mga salaysay na nasasaad kaugnay sa yugto ng paglalakbay na hindi maglalakbay rito ang babae malibang kasama ng isang may pagkamaḥram. Ang resulta ay na ang bawat tinatawag na paglalakbay ay pinagbabawalan dito ang babae nang walang kasamang asawa o maḥram, maging ito man ay tatlong araw o dalawang araw o isang araw o sa layong isang barīd o iba pa roon dahil sa pangkalahatang pahiwatig ng salaysay ng Anak ni `Abbās, na siyang panghuli sa mga naunang salaysay ni Imām Muslim: {Hindi maglalakbay ang isang babae malibang kasama ng isang may pagkamaḥram.} Ito ay sumasakop sa lahat ng tinatawag na paglalakbay. Nagtapos dito ang pagsipi. Ang hadith na ito ay alinsunod sa kalagayan ng tagatanong at pinamamayanan niya.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

