Tunay si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw Siya niyon. Ang sinumang nagbalak ng isang magandang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat niyon si Allāh para rito sa ganang Kanya bilang isang magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang sampung magandang gawa hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang sinumang nagbalak ng isang masagwang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang isang buong magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito bilang iisang masagwang gawa."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya ayon sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na nagsabi: {Nagsabi siya: "Tunay si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw Siya niyon. Ang sinumang nagbalak ng isang magandang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat niyon si Allāh para rito sa ganang Kanya bilang isang magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang sampung magandang gawa hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang sinumang nagbalak ng isang masagwang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang isang buong magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito bilang iisang masagwang gawa."}
Explanation
Kaya ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng magandang gawa, isusulat iyon para kanya bilang iisang magandang gawa, kahit pa hindi siya nakagawa nito; ngunit kung nagawa niya ito, tunay na ito ay pag-iibayuhin [sa gantimpala] sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang karagdagan ay alinsunod sa nasa puso na pagpapakawagas, pagsalin ng pakinabang, at tulad niyon.
Ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng masagwang gawa pagkatapos nagwaksi siya nito alang-alang kay Allāh, isusulat iyon para sa kanya bilang iisang magandang gawa. Kung nakawaksi siya nito dala ng pagkalingat dito kasabay ng hindi paggawa ng mga kadahilanan nito, hindi magsusulat para sa kanya ng anuman. Kung nakawaksi siya nito dala ng kawalang-kakayahan dito, itatala sa kanya ang layunin niya. Kung nakagawa siya nito, magsusulat para sa kanya ng iisang masagwang gawa.
Benefits
Ang kahalagahan ng layunin sa mga gawain at ang epekto nito.
Ang kabutihang-loob ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ang kabaitan Niya, at ang pagawa Niya ng maganda na ang sinumang nagbalak ng magandang gawa at hindi nakagawa nito, isusulat ito ni Allāh bilang isang magandang gawa.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

