Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Waḥshīy bin Ḥarb (malugod si Allāh sa kanya): {Sila ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay kumakain at hindi nabubusog." Nagsabi siya: "Kaya baka kayo ay mga nagkakahiwa-hiwalay?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}
Explanation
Kaya nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya baka kayo ay naghihiwa-hiwalay sa sandali ng pagkain sapagkat kumakain ang bawat isa sa pagkabukod-tangi niya?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo, kumain kayo na hindi mga nagkakahiwa-hiwalay, at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkain sa pamamagitan ng pagsabi ng: Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," magpapala sa inyo si Allāh dito at matatamo sa inyo ang pagkabusog.
Benefits
Ang paghihiwalay sa kabuuan nito ay kasamaan at ang pagtitipun-tipon sa kabuuan nito ay kabutihan.
Ang paghimok sa pagtitipun-tipon at pagsambit ng tasmiyah sa sandali ng pagkain.
Nagsabi si As-Sindīy: Sa pagtitipun-tipon bumababa ang mga biyaya sa mga pagkain at pagsambit ng pangalan ni Allāh (napakataas Siya) napipigil ang demonyo sa pagdating sa pagkain.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

