{May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog sa gabi nito hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o nagsabi siya: "sa tainga niya."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog sa gabi nito hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o nagsabi siya: "sa tainga niya."}
Explanation
Benefits
Ang pag-iingat laban sa demonyo na nag-aabang sa tao sa bawat daan upang sumagabal sa pagitan ng tao at ng pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Nagsabi si Ḥajar: Ang sabi niya: "hindi bumangon para magsagawa ng ṣalāh" ay tumutukoy sa pangkalahatan [na ṣalāh] at naisasaposible na sa kasunduan. Ang tinutukoy rito ay ang ṣalāh sa gabi o ang isinatungkulin.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Itinangi ang tainga sa pagkabanggit, kahit pa ang mata ay higit na angkop sa pagtulog, bilang pagtukoy sa kahimbingan ng pagkatulog sapagkat tunay na ang mga pandinig ay ang pinagmumulan ng pagkatawag-pansin. Itinangi ang ihi dahil ito ay pinakamadali sa pagpasok at mga butas at pinakamabilis sa panunuot sa mga ugat, kaya naman nagsasanhi ito ng katamaran sa lahat ng mga bahagi ng katawan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

