May dumating na mga tao sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Magpadala ka kasama namin ng mga lalaking magtuturo sa amin ng Qur'ān at Sunnah." Kaya nagpadala siya sa kanila ng pitumpong lalaking kabilang sa Anṣār, na tinatawag silang ang mga tagabigkas. Kabilang sa kanila ang tiyuhin kong si Ḥarām.
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: May dumating na mga tao sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Magpadala ka kasama namin ng mga lalaking magtuturo sa amin ng Qur'ān at Sunnah." Kaya nagpadala siya sa kanila ng pitumpong lalaking kabilang sa Anṣār, na tinatawag silang ang mga tagabigkas. Kabilang sa kanila ang tiyuhin kong si Ḥarām. Bumibigkas sila ng Qur'ān. Nag-aaralan sila sa gabi upang matuto. Sila noon sa araw ay nagdadala ng tubig at inilalagay ito sa masjid. Nangangahoy sila at ipinagbibili ito. Ipinambibili nila ito ng pagkain para sa mga tao ng Ṣuffah at mga maralita. Ipinadala sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ngunit hinarang sila at pinatay sila bago sila nakarating sa lugar ngunit nagsabi sila [bago mamatay]: "O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Iyo, at nalugod kami sa Iyo at nalugod Ka sa amin." May isang lalaking pumunta kay Ḥarām, ang tiyuhin ni Anas, mula sa likuran niya at sinaksak siya nito ng sibat hanggang sa napatagos nito sa kanya kaya nagsabi si Ḥarām: "Nagtagumpay ka, sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang mga kapatid ninyo ay napatay nga at tunay na sila ay nagsabi: O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Iyo, at nalugod kami sa Iyo at nalugod Ka sa amin."
Explanation
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

