Ang sinumang naghanda ng isang tagalusob sa landas ni Allāh, lumusob nga siya. Ang sinumang humalili sa isang tagalusob sa landas ni Allāh nang mabuti, lumusob nga siya."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Zayd bin Khālid (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang naghanda ng isang tagalusob sa landas ni Allāh, lumusob nga siya. Ang sinumang humalili sa isang tagalusob sa landas ni Allāh nang mabuti, lumusob nga siya."}
Explanation
Ang sinumang bumalikat ng nauukol sa tagalusob sa kabutihan at humalili sa tungkulin nito sa pag-aaruga sa mag-anak nito sa panahon ng pagkaliban nito, siya ay nasa uri ng tagalusob.
Benefits
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad sa ḥadīth na ito ang paghimok sa paggawa ng maganda sa sinumang gumagawa ng isang kapakanan para sa mga Muslim o nagsasagawa ng isang gawain kabilang sa mga tungkulin nila.
Ang pangkalahatang panuntunan ay na ang sinumang tumulong sa isang tao sa isang pagtalima kabilang sa mga pagtalima kay Allāh, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya niyon, nang hindi nakababawas ito mula sa gantimpala niyon ng anuman.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

