O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa harap ni Allāh
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Sa`īd bin Al-Musayyab, ayon sa ama niya na nagsabi: {Noong dumating kay Abū Ṭālib ang pagpanaw, pumunta sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka natagpuan niya sa piling nito sina Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah bin Al-Mughīrah saka nagsabi siya: "O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa harap ni Allāh." Kaya nagsabi si Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "Umaayaw ka ba sa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib?" Kaya hindi natigil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nag-aalok nito roon at umuulit naman doon ang dalawa ng nasabi hanggang sa nagsabi si Abū Ṭālib ng kahuli-hulihan sa sinalita niya sa kanila: "Nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib ako." Tumanggi iyon na magsabi na walang Diyos kundi si Allāh. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man kay Allāh, talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo hanggang hindi ako sinasaway laban sa iyo." Kaya nagpababa si Allāh: {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal,} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib sapagkat sinabi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56)}
Explanation
Benefits
Ang paggaya-gaya sa mga ninuno at mga malalaking tao sa kabulaanan ay kabilang sa gawain ng mga kampon ng Kamangmangan.
Ang kalubusan ng pagkahabag ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang sigasig niya sa pag-aanyaya sa mga tao at kapatnubayan nila.
Ang pagtugon sa sinumang nagpalagay ng pag-anib sa Islām ni Abū Ṭālib.
Ang mga gawain ay batay sa mga pangwakas na gawa.
Ang kawalang-kabuluhan ng pagkahumaling sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at iba pa sa kanya para sa pagtamo ng pakinabang o pagtulak ng pinsala.
Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh batay sa kaalaman, katiyakan, at paniniwala, ay pumasok sa Islām.
Ang pinsala sa tao ng mga kampon ng kasagwaan at mga kapares ng kasamaan.
Ang kahulugan ng: "Walang Diyos kundi si Allāh" ay ang pagwaksi ng pagsamba sa mga anito, mga taong pinakababanal, at mga maayos; at ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba. Ang mga tagapagtambal ay nakaaalam sa kahulugan nito.
Ang pagpayag sa pagdalaw sa maysakit na tagapagtambal kapag inaasahan ang pag-anib nito sa Islām.
Ang kapatnubayan ng pagtutuon sa tama ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Tanging kailangan sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpatnubay ng pagtuturo, paggabay, at pagpapaabot.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

