Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga kabilang sa bago ninyo nang dangkal sa dangkal at siko sa siko;
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga kabilang sa bago ninyo nang dangkal sa dangkal at siko sa siko; hanggang sa kung sakaling pumasok sila sa isang lungga ng isang balubid, talagang susunod kayo sa kanila." Nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, ang mga Hudyo ba at ang mga Kristiyano?" Nagsabi siya: "Kaya sino pa?"}
Explanation
Benefits
Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis ng mga Muslim sa mga tagatangging sumampalataya, maging sa mga paniniwala nila o mga pagsamba nila o mga pagdiriwang nila o mga pananamit nila na natatangi sa kanila.
Ang pagpapaliwanag ng mga bagay na basal (abstract) sa pamamagitan ng halimbawang pisikal ay kabilang sa mga istilo ng pagtuturo sa Islām.
Ang balubid (ḍabb) ay isang hayop na ang lungga nito ay matindi ang kadiliman, na mabaho ang amoy. Ito ay kabilang sa mga reptilya na marami sa mga disyerto. Ang punto ng pagtukoy sa lungga ng balubid ay ang tindi ng sikip at kasamaan nito. Sa kabila niyon, tunay na sila, dahil sa pagbuntot nila sa mga bakas ng mga iyon at pagsunod nila sa mga pamamaraan ng mga iyon, kung sakaling pumasok ang mga iyon sa tulad ng masikip na masamang ito, talagang sasang-ayon sila sa mga iyon! Si Allāh ay ang Pinagpapatulungan.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

