HadeethEnc · 1.49.0
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na matindi sa pagkamahiyain kaysa sa birheng nasa silid nito. Kapag nakakakita siya ng isang bagay na kinasusuklaman niya, nalalaman namin ito sa mukha niya.}
Available translations
Choose an available translation of this Hadeeth
01
Hadeeth text
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na matindi sa pagkamahiyain kaysa sa birheng nasa silid nito. Kapag nakakakita siya ng isang bagay na kinasusuklaman niya, nalalaman namin ito sa mukha niya.}
02
Explanation
Nagpapabatid si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na matindi noon sa pagkamahiyain kaysa sa dalagang donselya na hindi nakapag-asawa at hindi nakihalubilo sa mga lalaki, na nakatabing sa bahay nito. Bahagi ng katindihan ng pagkamahiyain niya na kapag nasuklam siya sa isang bagay, nag-iiba ang mukha niya at hindi siya nagsasalita; bagkus naiintindihan ng mga Kasamahan niya ang pagkasuklam niya roon sa mukha niya.
03
Benefits
Ang paglilinaw sa tinaglay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pagkamahiyain. Ito ay ang dakilang kaasalan.
Ang pagkamahiyain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hanggat hindi nilalabag ang mga pinakababanal ni Allāh. Kapag nilabag ang mga ito, tunay na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagagalit, nag-uutos sa mga Kasamahan niya, at sumasaway sa kanila.
Ang paghimok sa pagkakaasalan ng pagkamahiyain dahil ito ay nag-uudyok sa kaluluwa sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.

Attribution
[Nagkasang-ayon sa katumpakan nito]
Categories
Share
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares