Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa kinaroroonan niya dala ng panghihilakbot, na nagsasabi: "Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito." Nagpabilog siya ng daliri niya sa hinlalaki niya, na kasunod nito."} Nagsabi si Zaynab bint Jaḥsh: {Kaya nagsabi ako, O Sugo ni Allāh, masasawi po ba tayo samantalang nasa atin ang mga maayos na tao? Nagsabi siya: "Oo, kapag dumami ang karumalan."}
Explanation
Benefits
Ang paghimok sa pagmamasama sa mga pagsuway at ang pagpigil sa pagkaganap ng mga ito.
Nangyayari ang kasawiang panlahat dahilan sa dami ng mga pagsuway, paglaganap ng mga ito, at kawalan ng pagmamasama sa mga ito kahit dumami pa ang mga taong maayos.
Ang mga kapahamakan ay lalahat sa mga tao sa nang sama-sama: sa mga maayos at mga tiwali, subalit sila ay bubuhayin ayon sa mga layunin nila.
Itinangi ang mga Arabe sa pagsabi niya: "Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na!" dahil sila ay ang karamihan sa mga umanib sa Islām nang nagsabi siya niyon.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

