Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa isang lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā: {Sila minsan ay nasa piling ni Ḥudhayfah saka humiling siya ng tubig. Kaya may nagbigay naman sa kanya na isang Mago; ngunit noong inilagay nito ang tasa sa kamay niya, itinapon niya iyon at nagsabi siya: "Kung hindi dahil na ako ay sumaway sa kanya nang hindi isang ulit ni dalawang ulit." Para bang siya ay nagsasabi: "hindi sana ako gumawa nito; subalit ako ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa isang lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}
Explanation
Benefits
Pinapayagan para sa babae ang magsuot ng manipis na sutla at makapal na sutla.
Ang pagbabawal sa pagkain at pag-inom sa mga lalagyang yari sa ginto at pilak at mga sisidlang yari sa mga ito sa mga lalaki at mga babae.
Ang pagpapabagsik ng tugon ni Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) sa pagmamasama, na nagbigay-katwiran siya roon, ay dahil siya ay sumaway na rito nang higit sa isang ulit laban sa paggamit ng lalagyang yari sa ginto at pilak subalit ito ay hindi pa rin tumigil.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options

