Tunay na sa mga hayop na ito ay may mga mailap gaya ng mga mailap ng mabangis na hayop. Kaya ang anumang nakawala sa inyo mula sa mga ito, gumawa kayo rito ng ganito
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Rāfi` bin Khadīj (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Dhulḥulayfah, saka dumanas ang mga tao ng isang gutom, saka nakakuha sila ng mga kamelyo at mga tupa.} Sinabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa mga hulihan ng mga tao, kaya nagmadali sila, nagkatay sila, at nagsalang sila ng mga kaldero. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalhin ang mga kaldero, saka itinaob ang mga ito. Pagkatapos namahagi siya [ng samsam]. Nagtumbas siya ng sampu ng mga tupa sa isang kamelyo. May nakatakas mula sa mga ito na isang kamelyo, kaya hinanap nila ito ngunit pinagod sila nito. Sa mga tao ay may kaunting kabayo. May isang lalaking nagpawala roon ng isang palaso, kaya nagpatigil niyon si Allāh. Pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na sa mga hayop na ito ay may mga mailap gaya ng mga mailap ng mabangis na hayop. Kaya ang anumang nakawala sa inyo mula sa mga ito, gumawa kayo rito ng ganito."} Kaya nagsabi si Rāfi`: {Tunay na kami ay nag-aasam – o nangangamba – sa kaaway bukas. Wala kaming dalang mga kutsilyo. Kaya magkakatay po ba kami sa pamamagitan ng bagakay?" Nagsabi siya: "Ang anumang nagpadaloy ng dugo at nabanggit ang pangalan ni Allāh rito, kainin ninyo ito. Hindi gagamit ng ngipin at kuko. Magsasanaysay ako sa inyo tungkol doon. Hinggil sa ngipin, buto ito. Hinggil naman sa kuko, kutsilyo ng Etyopya ito."}
Explanation
Benefits
Ang pag-eedukasyon ng pinuno sa mga sakop niya at mga sundalo niya sapagkat nag-edukasyon nga sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kabila ng pagmamadali at pagsasagawang ito bago ng pagkuha ng pahintulot niya, kaya naman ang ganti sa kanila ay ang pagkakait sa kanila ng ninais nila.
Ang bilis ng pagtugon ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa mga utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagsaway laban sa pagkuha mula sa samsam nang sa gayon mahati ito.
Ang katarungan, lalo na sa pinamamayanan ng pakikibaka sa mga kaaway at mga tagatangging sumampalataya, dahil ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagwawagi at pananagumpay sa mga kaaway.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Kapag may nagpakabangis sa tao dahil may nakatakas na isang kamelyo o isang baka o isang kabayo o may kumawala na isang tupa o iba pa rito, ito ay gaya ng hayop na pinangangaso kaya pinapayagan ang pagtudla rito.
Kinakailangan ang pagkatay ng hayop upang maipahintulot ang pagkain nito. Isinasakundisyon sa hayop: 1. na maging pinapayagan kainin ito; 2. na maging nakakayang hulihin samantalang ang hindi nakakayang hulihin, ang patakaran ay patakaran ng hayop na pinangangaso; 3. na maging isang hayop na pangkati (panlupa) samantalang ang hayop na pandagat ay hindi isinasakundisyon para rito ang pagkakatay.
Ang mga kundisyon ng katumpakan ng pagkakatay: 1. Ang pagkamarapat ng tagapagkatay sa pamamagitan ng pagiging ito ay isang nakapag-uunawa (`āqil), na isang nakapagwawari (mumayyiz), na isang Muslim o isang Kitābīy (Hudyo o Kristiyano); 2. Ang pagbanggit ng pangalan ni Allāh sa sandali ng pagsisimula ng pagkakatay;[4] 3. Ang kaangkupan ng kasangkapan para sa pagkakatay sa pamamagitan ng pagiging ang kasangkapang ginagamit sa pagkakatay ay matalas na yari sa isang materyal na hindi ngipin at kuko; 4. Ang pagiging ang pagkakatay ay ang parte ng pagkatay sa nakakayang bahagi sa pamamagitan ng pagputol sa esopago, lalamunan, at dalawang jugular vein.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

