Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah];
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah]; ngunit kapag natakot siya na umabot sa madaling-araw, magdarasal siya ng iisang rak`ah saka magiging witr para sa kanya ang dinasal niya." Tunay na siya noon ay nagsasabi: "Gawin ninyo ang kahuli-hulihan sa salah ninyo bilang witr. Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito.}
Explanation
Benefits
Ang kusang-loob na ṣalāh sa gabi ay hindi nalilimitahan ng bilang ng rak`ah dahil sa pagkawalang-pasubali ng pagkakasambit.
Nagsabi si An-Nawawīy: "ang ṣalāh sa gabi ... dala-dalawahang [rak`ah]" Ang ḥadīth na ito ay itinutukoy sa paglilinaw ng pinakamainam. Ito ay magsagawa ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah. Maging sa mga kinukusang-loob sa gabi at maghapon, isinasakaibig-ibig na magsagawa siya ng taslīm sa bawat dalawang rak`ah.
Nagsabi si An-Nawawīy: Dito ay may patunay na ang Sunnah ay gumawa sa witr na kahuli-hulihan sa kusang-loob na ṣalāh sa gabi at na ang oras nito ay lumalabas sa pagsapit ng madaling-araw. Ito ang tumanyag sa doktrina natin at nagsabi nito ang mayoriya ng mga maalam.
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

