Talagang aabot nga ang kautusang ito sa inabot ng gabi at maghapon. Hindi mag-iiwan si Allāh ng isang bahay sa bayan ni sa ilang malibang magpapasok si Allāh doon ng Relihiyong ito,
Choose an available translation of this Hadeeth
Hadeeth text
Ayon kay Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Talagang aabot nga ang kautusang ito sa inabot ng gabi at maghapon. Hindi mag-iiwan si Allāh ng isang bahay sa bayan ni sa ilang malibang magpapasok si Allāh doon ng Relihiyong ito, kalakip ng karangalan sa isang marangal at kalakip ng kahamakan sa isang hamak, isang karangalan na nagpaparangal si Allāh sa pamamagitan nito sa Islām at isang kahamakan na humahamak si Allāh sa pamamagitan nito sa Kawalang-pananampalataya." Si Tamīm Ad-Dārīy ay nagsasabi: "Nakaalam nga ako niyon sa sambahayan ko. Talaga ngang dumapo sa sinumang umanib sa Islām kabilang sa kanila ang kabutihan, ang dignidad, at ang karangalan. Talaga ngang dumapo sa sinumang naging tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila ang kahamakan, ang panliliit, at ang [pagpataw ng] jizyah."}
Explanation
Pagkatapos nagpabatid ang KasamahangTamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakaalam ng bagay na iyon na ipinabatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sambahayan niya, sa partikular, na tunay na ang sinumang umanib sa Islām kabilang sa kanila ay pinagkamit ng kabutihan, dignidad, at karangalan; at ang sinumang tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ay pinagkamit ng kahamakan at kaabahan sa kabila ng ibinabayad nito sa mga Muslim mula sa mga yaman.
Benefits
Ang karangalan ay para sa Islām at mga Muslim at ang kahamakan ay para sa Kawalang-pananampalataya at mga tagatangging sumampalataya.
Dito ay may patunay kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta at may tanda kabilang sa mga tanda nito yayamang naganap ang ulat gaya ng ipinabatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Attribution
Categories
Share hadeeth
Sharing options · 0 Total shares

